Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto

Claudine sobrang naka-relate sa Deception

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Claudine Barretto na malapit sa kanyang puso ang pelikula nila ni Mark
Anthoby Fernandez 
na Deception mula Viva Films at napapanood na sa Vivamax.

Itong pelikulang ito is very close to my heart dahil sa mga nangyari sa amin ng ex-husband ko.

“It hits close to home sa akin kasi hindi lang naman sa ex-husband ko kundi sa mga taong pinagkatiwalaan ko. Sa mga taong akala ko kaibigan ko, ‘yun pala hindi. Tinulungan mo na, ikaw pa ‘yung masama,” paliwanag ni Clau sa isinagawang virtual media conference kamakailan.

Kaya naman may payo ang aktres Sa netizens.

I’ve had so much betrayal and deception in my life. Ang dami talaga.

“There’s so many relationships I had, whether friendship or at work or sa family or sa ex-husband. Lahat ‘yun napagdaanan ko kaya dapat mas extra careful ka.

“At saka ‘yung sinasabi nila na love yourself, totoo ‘yun. Huwag lang bigay nang bigay,” sambit pa ng aktres na ang pelikulang Deception ay isang drama-mystery film na kuwento nina Rose (Claudine) isang sikat na aktres, at ni Jericho (Mark Anthony,) isang stunt double, na nahulog sa isa’t isa at nagpakasal. Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Thomas. Maayos ang pamilya nila na puno ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting nasira. Inakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng sampung taon. Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho, ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan at mamumulat sa mundo na walang magulang.

Palabas na sa Vivamax ang Deception handog ng Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …