Saturday , November 16 2024
Quezon City University QCU

May laptop na, may allowance pa
SA QC UNIVERSITY LIBRE TUITION FEE

LIBRE ang tuition fee sa Quezon City University (QCU).

Kaya kung kayo ay graduating student ng Senior High ngayong taon, at problema ang pagpasok o makatapos ng kolehiyo, samantalahin ang libreng college education na ini-o-offer ng QCU sa mga kabataan ng lungsod.

Ito ay matapos maisama ng Commission on Higher Education (CHED) ang unibersidad at mabigyan ng “Institutional Recognition” noong nakaraang taon, para makapagbigay ng libreng college education gaya ng iba pang kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila.

Ang programang ito ng CHED ay hango at bunga ng Unified Financial Assistance System for Tertiary Education Act o UniFAST, sa ilalim ng komprehensibong batas na Republic Act 106871, na naglalaan ng pondo at mekanismo upang makapagbigay ng libreng college education sa mga kabataang nagnanais magkolehiyo ngunit walang sapat na kakayahang tustusan ang pag-aaral, partikular ang mga kapos-palad.

Sa pahayag ni Theresita V. Atienza, Pangulo ng QCU, sa ngayon 10,425 college students na ang nakapag-enroll sa ilalim ng nasabing programa ng CHED para sa academic year 2021-2022, at kumukuha ng iba’t ibang kurso gaya ng Bachelor of Science in Entrepreneurship, Information Technology, Electronics Engineering at Accountancy.

Noong una, ang bilang ng estudyante ay umabot pa sa 12,800 ayon kay Atienza. Nabawasan ang bilang dahil ang iba sa mga mag-aaral ay piniling makapagtrabaho muna matapos matuto ng mga technique sa pag-o-online.

Bukod sa libreng tuition fee, nagbibigay din ang QCU ng mga “top of the line” laptop, ayon kay Atienza. May kasama pa itong “pocket Wi-fi” para sa bawat estudyante.

Ang mga “gadgets” ani Atienza ay galing sa inisiyatiba ni Mayor Joy Belmonte na siyang nagpursigi upang mapapayag ang CHED na maisama ang QCU sa programa nitong UniFAST.

Dagdag ng QCU official, ang pandemyang dala ng CoVid-19 virus na nakasagabal sa pagsasagawa ng mga face-to-face classes, ang naging dahilan ni Mayor Belmonte na bigyan ang mga mag-aaral ng mga laptop at pocket Wi-fi upang hindi maputol ang kanilang mga pag-aaral.

Sinabi rin ni Atienza, minabuti rin ng punong-lungsod na gamitin ang pasilidad ng unibersidad sa pakikipaglaban ng pamahalaang lungsod sa problemang dala ng pandemiya.

“Ito naman ang aming kontribusyon sa laban natin sa CoVid-19. Paulit-ulit ko ngang sinasabi na tatlong B ang contribution ng QCU, Buildings, Body and Brains,” paliwanag ni Atienza na ang tinutukoy ay ang pagpapagamit ng mga gusali ng unibersidad para maging CoVid-19 facilities; ang lima na pansamantalang gumaganap bilang mga health workers at ang mga ginagawa nilang pananaliksik sa mga paraan para labanan ang pandemya.

Hinikayat ni Atienza ang mga interesadong magtatapos sa Senior High School ngayong taon na mag-apply sa unibersidad sa pamamagitan ng online (qcu.edu.ph), upang makapagkolehiyo sa pamamagitan nang libreng matrikula na, may gadget at allowance pa.

P20,000 allowance kada semester ang matatanggap ng bawat estudyante, at P30,000 para sa mga mag-aaral na persons with disability o mga PWD.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …