Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jackie Lou Blanco Ricky Davao

Jackie Lou kinabahan nang sampalin ni Ricky

RATED R
ni Rommel Gonzales

MIXED emotions si Jackie Lou Blanco nang kunan ang matinding eksena nila nina Dingdong Dantes at Ricky Davao sa GMA primetime series na I Can See You: AlterNate.

Ipinalabas ito noong January 20 at nagpapakita ng komprontasyon sa mga karakter nina Dingdong at Ricky.

Dalawa ang role na ginagampanan ni Dingdong—ang magkakambal na sina Nate at Michael. 

Samantalang lumalabas naman si Ricky bilang Lyndon, ang istriktong adoptive father ni Nate at asawa ni Cita, na binibigyang-buhay ni Jackie Lou.

Sa nasabing eksena, nabunyag na may kakambal ang inampon nina Cita at Lyndon at ito ay si Michael na kamukhang-kamukha ni Nate. Nagkagulo sa farm at nagngangalit si Lyndon dahil nakatungtong sa kanilang lugar si Michael kaya naging tagapamagitan si Cita.

Ayon kay Jackie Lou, na-excite siya sa eksena. Gayunman, kinabahan siya dahil kinailangan siyang sampalin ng dating asawa na si Ricky bilang parte ng eksena.

When my kids found out na may sampalan, nag-request ako agad ng video,” bahag ni aktres sa isang Instagram post kalakip ng behind-the-scenes video nito.

Pahiwatig ni Jackie Lou, mas marami pang intense na eksena ang mapapanood sa I Can See You: AlterNate na reunion project nila ng kanyang ex-husband na ama ng kanyang tatlong anak.

Bukod kay Dingdong, kasama rin nina Jackie Lou at Ricky sina Beauty Gonzalez at Joyce Ching bilang main cast ng serye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …