Monday , December 23 2024
Mike Defensor

Defensor maraming plano sa QC

MATABIL
ni John Fontanilla

MASARAP kakuwentuhan at ramdam namin ang sensiridad ni Cong. Mike Defensor na tumatakbong  Mayor ng Quezon City.

Binigyang diin nito nang makausap ng ilang entertainment press na mas mapaganda at mas mapaunlad pa ang gusto niyang mangyari sa Quezon City kung papalarin siyang manalo sa darating na eleksiyon.

Ilan nga sa magandang plano ng kongresista ay matutukan ang usaping  health, education, at masolusyonan agad para bumaba ang Covid 19 cases sa lungsod. Ang patas na pagbibigay ng ayuda mayaman man o mahirap, benefits sa mga Senior Citizens, pagpapaganda  ng ilang lugar sa Quezon City para maging tourist attraction at  ma-develop pa ang ilang commercial centers sa Cubao, Eastwood, Timog, Quezon Avenue atbp. ay ilan din sa mga plano niya.

Si Defensor ay nakatapos ng primary, college, at Masters in Public Administration sa University of the Philippines at high school sa Niles McKinley High School. Kumuha naman siya ng Masters sa International Business Law sa University of Liverpool in England.

 Naging chairman din ito  ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), at naging youngest councilor sa edad na  22 sa ikatlong distrito ng Quezon City. 

Si Cong. Mike rin ang pinakabatang congressman sa edad na 25 sa 3rd district ng Quezon City at pinakabatang miyembro ng cabinet (during the term of of former Pres. Gloria Macapagal-Arroyo) nang siya’y maging Cabinet Secretary of Housing.

Siya rin ay nagung  miyembro ng tinaguriang “Spice Boys” ng Kongreso noong 11th Congress na naging assistant Minority Floor Leader.  Naging Secretary din siya ng Dept. of Environment and Natural Resources at Chief of Staff ng Office of the President. Namuno rin ito ng Task Force NAIA 3 sa pagbubukas nito at naging chairman ng Philippine National Railways (PNR).

About John Fontanilla

Check Also

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …