Saturday , November 16 2024
Damo ipinadala sa courier service nabuking ng PDEA

‘Damo’ ipinadala sa courier service nabuking ng PDEA

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki sa Hermosa, Bataan dahil sa pagtanggap ng marijuana kamakalawa.

Sa ulat mula sa PDEA Bataan Office, kinilala ang naaresto na si Christian Jomar, ng Barangay San Pedro, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang naturang tanggapan mula sa isang courier service company na isang package mula sa Sta. Rosa City, Laguna ang hinihinala nilang naglalaman ng droga.

Ayon kay PDEA Region 3 Director Bryan Babang, sumailalim sa physical examination ang package at nadiskubre sa loob ang isang plastic sachet na naglalaman ng 30 gramo ng tuyong dahon ng marijuana.

Sinasabing ang droga na tumitimbang ng 30 gramo ay isiniksik pa sa isang hoodie jacket.

Kasunod nito, ikinasa ng PDEA ang controlled delivery operation, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jomar, nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act f 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …