Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Broken Marriage Vow cast

The Broken Marriage Vow ilegal na dina-download; nakagigigil na eksena trending

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PUMUPUTAK sa kanyang Facebook account si Eric John Salut ng ABS-CBN dahil sa mga nagda-download ng illegal sa The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria at Zanjoe Marudo na nag-pilot kamakailan.

Post ni EJ sa FB, “Mga atat sa The Broken Marriage Vow? Kailangang i-illegally download? Nasa free TV naman ah! Nasa iWant and VIU din! Di mahintay? Mga to!!!!!”

Oo nga naman libre naman itong napapanood eh bakit ilegal na idina-download pa?!  

Anang ilang komento, siguro’y excited ang marami na mapanood ang bagong teleserye.

Sa totoo lang, mainit na pinag-usapan sa social media ang nakagigigil na mga eksena nina Jodi at Zanjoe pagkatapos mapanood ang pilot episode nito sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5

Trending sa Twitter Philippines noong Lunes (Enero 24) ang #TBMVGlobalPremiere, #TheBrokenMarriageVow, ”Jodi as Dra,” at Jill Ilustre pagkatapos dumagsa ang mga positibong komento ng netizens para sa pilot episode ng serye. 

Kaya naman ngayon pa lang ay inaabangan na rin ng fans ang nakatetensiyong paghaharap nina Jill, ang asawa niyang si David, at ang kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez). 

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong linggo, magsisimula na ang pag-iimbestiga ni Jill (Jodi) sa asawang si David (Zanjoe) dahil lalo pang lumalakas ang kutob niyang nambababae ito pagkatapos makakita ng lip balm at isang mahabang hibla ng buhok sa gamit nito.

Kinunan nang buo sa Baguio ang The Broken Marriage Vow, ang Philippine adaptation ng Doctor Foster, na idinidirehe nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

Sa kabilang banda, kaaliw ang mga reaction ng netizens sa pilot ng serye. Tulad ni @hoenicurn na ipinost niya sa Twitter, kahit isang episode pa lang ang napanood niya, malinaw na “top-notch” ang quality nito, “the set, location, costume are praiseworthy. An eye-popping visual feast! I am sure that it will set the standards on a higher scale. This is a giant leap for a Filipino TV series!”

Pilot looks good. Feels very much like its South Korean counterpart. The cast is perfect, camera work looks slick, wardrobe is to die for, stylish yet very slick, parang ang sarap tumira sa Baguio,” sabi naman ni @ace_antipolo.

Napansin naman ni @AltStudio23 ang mga mahahalagang detalye sa bawat eksena, “Each gap talagang tutok ka. Every body movement, every line, camera movement. Ang ganda. Carefully made, it is very evident.”

Bilib na bilib naman si @alkimermaid sa pagganap ni Jodi, “Grabe Jodi Sta. Maria is super slaying the role! I love her eyes, the dramatic intensity of her expressions. It’s very impressive and superb! Hats off!”

Subaybayan ang The Broken Marriage Vow mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Viu, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …