HATAWAN
ni Ed de Leon
INAMIN ni Mark Anthony Fernandez na iba ag excitement niya noong ialok sa kanya ang pelikulang Deception, dahil una nagustuhan niya talaga ang script at una pa riyan ay dahil magkakasama nga silang muli ni Claudine Barretto. Alam naman ng lahat ang kanilang nakaraan.
Inamin niya na noong magkasama nga silang muli, tinatantiya na niya ang chances kung puwede nga ba siyang manligaw muli kay Claudine, na mabilis namang sinagot ng aktres na, “bakit hindi mo sinubukan?” At nagkatawanan na nga nang tuluyan.
Pero masasabi mo nga bang imposible iyon? Wala namang sabit si Claudine. Siguro nga hindi pa niya nakukuha ang annulment sa kanyang naunang kasal, pero in fact, libre na si Claudine. Hindi na rin naman siguro siya hahabulin ng kahit na sino, kagaya rin naman ng hindi na paghahabol kanino man.
Sa kaso naman ni Mark, may sabit nga ba?
Siguro nga kung magiging madalas ang pagsasama nila sa trabaho, ano nga ba ang malay mo?