HINDI itinago ni Cong. Mike Defensor na may anak siyang miyembro ng LGBT, si Miguel.
Ang pagkakabanggit ni Defensor kay Miguel ay bilang sagot sa tanong ng isang katoto kung may maaasahan ba ang mga miyembro ng LGBT sakaling manalo siya bilang mayor ng Quezon City.
Aniya, “Oo naman. Sa tanong ukol sa LGBT, hindi ko alam kung inform kayo rito, pero I have a LGBT daughter. Si Miguel is my 2nd child. Nag-aaral din ako noon, 5 years ago and siya naman papaalis siya the next day going to London.
“He was at his 4th year high school, papasok ng university, mag-college na siya. Nag-iiyakan ‘yung mga anak ko hindi ko alam ang nangyayari, sabi ng matandang anak ko, ‘Dad can we speak with you?’ And I said oo naman. Pag-akyat ko andoon lahat ng aking 5 children, namumugto mata nila. Close kasi sila. Inisip ko baka malungkot. Andoon din ang asawa ko.
“Tinanong ko kung ano ang problema, and sabi ng panganay ko, ‘Dad (Mikee) Miguel has something to tell you.’ Pero sabi nga ni Miguel ‘yung ate na lang niya ang magsalita. And sabi nga ni Mikee, ‘Dad, Miguel is gay.’ Pagtingin ko kay Miguel alam ko na ‘yun eh, kasi anak ko siya pero mag halong apprehension, kaba. Pero ang ginawa ko agad, inakap ko siya at sinabi ko, ‘I love you very much, I love you, nothing will change’ habang hinahaplos ko ang likuran nya.”
Pagkasabi niya nito nagpasalamat sa kanya si Miguel at nagsabing, “I love you dad.”
Sinabi pa ng kongresista sa kanyang anak na, “o teka babae ka na dapat ‘yung moral value is alam mo naman,’ at natatawa siya.”
After ng insidenteng iyon, kuwento pa ng kongresista na nakita niya kung gaano kasaya ang anak na si Miguel.
“He was happy. At kapag nag-a-out of the country kami hindi ko na siya pinagbubuhat ng mga gamit dahil babae na siya eh kahit gusto niyang tumulong.
“And nakita ko talaga na this child of mine is smart from elementary to high school and now she’s taking her masters,” pagbabahagi pa ng representante ng ANAKalusugan Partylist.
Ipinagmalaki pa ni Defensor ang napakalaking kontribusyon ng anak na si Mike sa kanilang pamilya.
Sinabi pa nitong hindi dapat husgahan ang isang tao sa gustong sexual preferences nito.
“Kaya masasabi ko of course may puwang ang LGBT sa aking pamumuno,” giit ni Defensor. ”At siyempre welcome ko rin ang mga idea ninyo na gustong ibahagi sa akin,” giit pa ng tumatakbong mayor ng Quezon City. (MVN)