Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Barangay chairmen na ‘di-bakunado,  mag-resign!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MAY KILALA akong kapitan ng barangay na ‘di- bakunado.

Katuwiran ni kapitan ay diabetic siya at nag-i-insulin. Nangangmba siyang magaya sa isa niyang kumpare na nagkaroon ng adverse effect ang bakunang itinurok. Pagkatapos bakunahan ay naparalisa ang katawan at unti-unting nanghina hanggang mamatay dahil sa cardiac arrest.

Nakalulungkot, kaya nagkaroon ng pangamba si Kapitan dahil gusto pa niyang mabuhay.

Ngunit mahigpit ang direktiba ni DIILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño. Aang mga kapitan ng barangay na ‘di-bakunado ay mag-resign na o mag-file ng leave of absence hangga’t ‘di umaalis ang CoVid-19 sa bansa.

Ayon kay Diño, hindi nito magagampanan ang kanyang tungkulin at aasa lamang sa mga galaw ng kanyang mga Kagawad.

Tinukoy ng Undersecretary na kung ang dahilan ay may maselang karamdaman ang isang kapitan kung hindi mag-resign ay mag-leave dahil nakahihiya sa constituents. Imbes ikaw ang magandang ehemplo sa ipinag-uutos ng batas, ikaw pang kapitan ng barangay ang hindi susunod.

May punto si Diño, dahil kung ang isang kapitan ay may taglay na sakit at bawal makihalubilo sa mga tao o makipag- usap, dapat stay at home muna. Hayaan na may pumalit o aakto sa kanyang trabaho kaysa masilip ng mga tao na patuloy na sumasahod bilang kapitan ng barangay pero ‘di naman ginaganap ang tungkulin.

O kapitan, huwag puro suweldo, ‘di naman bakunado. Paano na ang barangay mo kung ikaw mismo ang tamaan ng CoVid-19 dahil wala kang bakuna? Ikaw na ang manghahawa!

ESTUDYANTE FACE-TO-FACE NA SA JANUARY 31?

Tuloy na kaya sa 31 Enero 2022 ang face-to-face classes ng mga estudyante? Payag na kaya ang mga magulang?

Makiramdam tayo sa magiging resulta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …