Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABIL
ni John Fontanilla

MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon naninirahan at nagtatrabaho.

Nakabase ngayon ang singer sa  Tennessee, USA at doon ay nagtatrabaho bilang tour guide sa isang museum. 

Masaya naman si Bryan sa buhay niya sa Amerika, pero minsan ay bami-miss niya ang pagkanta sa mga live show at ang TV guestings.

Pero may mga times na nagkakaroon siya ng solo concerts, o kaya’y naiimbitahang kumanta sa mga okasyon ng Filipino community sa Amerika at  minsan naman ay nagiging special guest siya sa mga concert ng ilang sikat na Pinoy singers sa Amerika, kaya naman kahit paano ay nagagawa pa rin niya ang kanyang first love, ang pagkanta.

Ilan sa naging konsiyerto nito noong nakaraang taon ang Bryan Termulo (The Prince of Teleserye Theme Songs ) Live sa Pigeon Forge TN, Miss Philippines- USA Talents Competition sa Pasadena Hilton na nakasama si Angel Bonilla at Robin NieveraA Night of Pop and RNB sa Los Angeles Ca kasama sina Jay R at Garth Garcia  at tumanggap din ito ng award last year sa AmerAsia International Awards 2021 bilang International Male Singing Artist of the Year.

At kahit nga ibang mundo na ang ginagalawa  ni Bryan ay patuloy pa rin siyang aawit at gagawa ng kanta para sa kanyang mga tagahanga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …