HARD TALK
ni Pilar Mateo
ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur bilang Board Member na si Aileen ang may pahatid sa kanyang Facebook page tungkol sa pagpapatupad sa TUPAD.
“STOP POLITICIZING TUPAD! STOP GUTTER POLITICS!
(Statement of Soon-to-be CamSur 3rd District Board Member AILEEN PAPIN on the alleged interference of a certain Politician in Vice-Governor Imelda Papin’s implementation of TUPAD in CamSur .)
“Ang TUPAD po ang programa ng DOLE national sa pangunguna ni DOLE Secretary SILVESTRE BELLO III na naglalayong bigyan ng sapat na tulong ang maralitang sektor na lubos na naapektuhan ng pandemya.
“Dito sa Camarines Sur, hangad ng ating butihing Bise-Gobernadora IMELDA PAPIN na maihatid ang magandang programang ito sa sektor ng KABABAIHAN kaya naman sa napakaraming pagkakataon ay nakapagpaabot na po tayo ng agarang PAYOUT sa mga barangay dito sa probinsya at patuloy pang pinararami sa pamamagitang ng ORIENTATIONS sa ibat iba pang mga Munisipyo upang mas marami pa ang maabot ng programang ito.
“ITO PO AY INYONG PINAGPAGURAN AT PINAGHIRAPAN KAYA ITO PO AY NARARAPAT LAMANG NA MAIPAABOT SAINYO!
“Sa kasamaang palad po, kamakailan lamang ay nabahiran na ng maruming pamumulitika ang magandang layunin ng programang ito dahil sa personal at politikal na atake ng mga katunggali ng ating Bise-Gobernadora na ngayon ay tumatakbo pong Gobernador ng probinsya.
“Bagamat ang hangad lamang po ng ating Bise-Gobernadora Imelda Papin ay maparami pa ang nagbebenepisyo sa magandang programang ito ay pilit po itong hinaharang at ipinatitigil ng ilang taong nasa poder sa ngalan ng maruming pamumulitika. Hindi po isinaaalang-alang ng mga opisyal na ito ang kabutihan ng ating bayan kundi ang kanilang mga pansariling interes lamang.
“Ako po may mariing kumukundena sa mali at maruming pamumultika ng malalaking tao dito sa ating probinsya para harangin ang tulong para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng DOLE TUPAD.
“Tama na po, labananan na natin at manindigan na po tayo para sa katotohanan at sa kung ano ang tama at dapat para sa ating mga kababayan. Huwag na po nating sayangin ang pagkakataong ituwid ang dekada nang baluktot na politika at labanan ang mga abusado sa kapangyarihan! Nasa ating mga kamay po ang kapangyarihan na baguhin ang Camarines Sur at gawin na po natin ito!”
Ganyan karubdob ang magkapatid sa kanilang landas na tinatahak!