RATED R
ni Rommel Gonzales
MULING ipinamalas ni Miguel Tanfelix ang kanyang husay sa pag-arte bilang si Diego Garcia, isang lalaking ipinanganak na walang mga binti at may underdeveloped na mga kamay, na itinampok sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanmannoong Sabado, January 15.
Aminado si Miguel na na-challenge siya sa kanyang role pero nakatulong ang pag-intindi niya sa nararanasan ni Diego upang magampanang mabuti ang kuwento nito.
Dahil sa galing na ipinakita ni Miguel, mabilis na naging hot topic online ang kanyang naging acting performance. Umakyat pa sa Twitter Philippines top trending list ang #MiguelOnMPK at Miguel Tanfelix.
Umulan din ng papuri mula sa mga nanood sa husay ng aktor at inilarawan siya bilang “Best Actor” ng kanyang henerasyon.
Maging sa Facebook, maraming online netizens din ang nagbigay paghanga sa aktor.
Samantala, isa rin si Miguel sa napiling mapabilang sa eight brightest stars for 2022 ng talent management arm ng GMA Network na Sparkle.
Marami na rin ang nag-aabang kay Miguel bilang si Steve Armstrong sa upcoming live-action adaptation series Voltes V: Legacy.