Thursday , May 15 2025
Sa Tacurong, Sultan Kudarat DepEd SUPERVISOR PATAY SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

Sa Tacurong, Sultan Kudarat
DepEd SUPERVISOR PATAY SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

PATAY ang isang opisyal ng Department of Education habang sugatan ang kaniyang asawa nang tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Purok Katilingban, Brgy. San Pablo, lungsod ng Tacurong, lalawigan ng Sultan Kudara, nitong Lunes ng gabi, 17 Enero 2022.

Kinilala ni P/Lt. Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong PNP, ang napaslang na biktimang si Javier Kumandi, Sr., 55 anyos, Pandag DepEd District Supervisor, habang sugatan ang kaniyang asawang si Jeannie Kumandi, 52 anyos, kapwa mga residente sa naturang lugar.

Sa paunang imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanilang itim na Toyota Innova SUV, may plakang AGA 5857 habang pauwi, nang tambangan at paulanan ng bala ng mga suspek.


Agad dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit

binawian ng buhay ang opisyal ng DepEd, samantala, nakaligtas sa kapahamakan ang kaniyang misis.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek. 

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …