Saturday , November 16 2024
PNP QCPD

Sa maigting na anti-illegal gambling ops
55 SUGAROL NASAKOTE NG QCPD

UMABOT sa 55 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa patuloy na anti-illegal gambling operations sa Quezon City, ayon sa ulat nitong Lunes.

Sa Masambong Police Station (PS 2) ng Quezon City Police District (QCPD), naaresto ang tatlong sugarol sa Ilagan St., Brgy. Paltok, habang tatlo rin ang nadakma ng Talipapa Police Station (PS 3) sa Sitio Ambuklao Mendez Road, Brgy. Baesa, QC.

Walo ang nahuli ng Novaliches Police Station (PS 4) sa San Luis St., Brgy. Gulod, Novaliches, habang tatlo ang nadampot ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa Sitio Bakal, Brgy. Bagong Silangan.

Nakadakma rin ang Holy Spirit Police Station (PS 14) ng 10 sugarol sa MRB Compound, Brgy. Holy Spirit, at Dama De Noche St., Brgy. Holy Spirit, habang anim ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, sa lungsod.

Ang mga naaresto ay pawang sangkot sa tupada o illegal cockfighting at nakompiskahan ng mga pansabong na manok at ilang perang pantaya.

Dinampot ng PS 3 habang naglalaro ng cara y cruz ang tatlo katao sa MP1 Sagasa GK Sitio Paji, Brgy. Baesa, habang lima ang nahuli ng PS 4 sa Old Cabuyao, Brgy. Sauyo, at tatlo pa sa Arayat St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Binitbit ng Pasong Putik Police Station (PS 16) ang tatlong nagsusugal din ng cara y cruz sa Agoncillo St., Magno II Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, na nakompiskahan ng cara coins at bet money.

Nakaaresto rin ang PS 4 ng walong nagsusugal ng Poker sa Old Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches, at kinompiska sa kanila ang playing cards, billiard balls, billiard cue sticks, at bet money.

Ang mga nadakip ay kakasuhan ng paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling) sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“Tuloy-tuloy po ang ating anti-criminality operations, kasama rito ang pagsugpo ng illegal gambling para sa katahimikan at kaayusan ng ating Lungsod Quezon,” pahayag ni QCPD Director PBGen. Antonio Yarra. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …