Saturday , November 16 2024
prison rape

12-anyos stepdaughter ginawang sex slave
MANYAK NA DRIVER ARESTADO

BAKAL na rehas ang hinihimas ng isang manyakis na driver matapos maglakas-loob ang 12-anyos dalagita na isumbong sa kanyang ina ang ginagawang panghahalay ng amain sa loob ng isang taon, nang muli siyang gapangin noong Sabado ng umaga sa Navotas City.

Batay sa pagsisiyasat ng Navotas Police Women and Children Protection Desk (WCPD), nagsimula ang kalbaryo ng biktimang Grade 7 student na itinago sa pangalang Maria sa kamay ng kanyang stepfather, isang taon na ang nakararaan.

Sa reklamo ng batang biktima, inereklamo niya kanyang stepfather na itinago sa alyas na Lito, 33 anyos, noong 1 Enero 2021 na nangyayari sa loob mismo ng tinutulugan niyang silid sa Brgy. Tangos South.

Mula noon, kapag may pagkakataon ay ginagapang umano ng suspek ang anak ng kanyang kinakasama nang walang pinipiling oras, na labis nagdulot ng takot at sindak sa dalagita lalo na’t pinagbabantaan siya ng amain sa tuwing isasagawa ang panghahalay.

Nitong Sabado, 15 Enero 2022, dakong 10:00 am habang nakaidlip sa loob ng kanyang silid ang biktima, bigla siyang naalimpungatan nang maramdaman ang panghihipo sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Nagtangka itong pumalag ngunit muling pinagbantaan ng amain na naging dahilan upang magtagumpay sa kabuhungan ang suspek.

Nitong Linggo dakong 6:00 pm, nang maglakas loob ang biktima na isumbong sa kanyang 30-anyos na ina ang dinaranas na kalbaryo sa kamay ng amain dahilan upang hulihin ito ng mga awtoridad.

Nahaharap ang manyakis na suspek sa kasong Rape in relation to R.A.7610 o Child Abuse Law. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …