Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rob Guinto

Rob Guinto, palaban sa lampungan sa Siklo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYANG kahuntahan ang newbie sexy actress na si Rob Guinto nang maging guest siya sa aming online show na Tonite L na L nina katotong Roldan Castro at Chuffa Mae Bigornia.

First movie ni Rob ang Siklo na palabas na ngayon sa Vivamax at tinatampukan ni Vince Rillon. Nakipagsabayan dito si Rob sa daring at sexy scenes kina Christine Bermas at Ayanna Misola. Mula sa pama­mahala ni Direk Roman Perez, Jr., tampok din dito sina Joko Diaz, Alma Moreno, Jonee Gamboa, Andrew Muhlach at iba pa.

Paano siya nag-start sa Viva? “Nag-start ako sa Viva dahil kay Mama Lito (de Guzman), ‘yung manager ko po, siya bale ‘yung nag-invite sa akin para mag-audition sa Viva.

“Actually, two times na po talaga iyon, then iyong isa, ano po talaga siya, hindi po ako ready noon na mag-artista. Hanggang sa second time ulit na ininvite ako ni mama Lito, iyon na po, nasabi ko na, ‘Baka ito na talaga iyong para sa akin’, kaya ginrab ko na rin po,” saad ng aktres na ang vital statistics ay 34-26-35.

Mapangahas ang mga ginawa at ipinakita niya sa pelikulang Siklo, hindi ba siya nagdalawang isip na gawin ang mga daring scenes dito?

Tugon ni Rob, “Hindi naman po, kasi unang-una po, bago ko naman tanggapin ang project na ito, ipinaliwanag naman po sa akin kung ano ‘yung role na gagampanan ko roon. Aside po roon, hindi naman kami pinabayaan ni Direk Roman. Kaya okay naman po, kaya okay naman po sa akin lahat iyon.”

May instance ba na nasilipan siya ni Joko sa kanilang love scene, and vice versa?

“Kasi, may scene naman po kami na talagang naka-topless ako roon, so hindi maiiwasan po na makita talaga, as in may eksena po kami na talagang topless ako.”

How about si Joko, may pagkakataon bang nasilipan niya ito? “Ay hindi po, wala po, hahaha! Wala po, wala po, hahahaha!” Nakatawang bulalas ni Rob.

May nakahanda na ba siyang next project sa Vivamax? “Actually, yes po, magkakaroon po ako ng paparating na project. Pero siyempre po ay hindi ko muna sasabihin, surprise na muna rin po para sa ibang tao,” nakangiting saad pa niya.

Game ba siya na mas maging daring sa kanyang next project? “Kung iyon naman po talaga ang ikagaganda ng movie, bakit hindi?” Matipid na sambit pa ni Rob.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …