Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

Nilasing muna
DALAGITA GINAHASA NG KAINUMAN

REHAS na bakal ang hinihimas ng isang mister matapos ireklamo ng panghihimas at pangga­gahasa sa isang 17- anyos dalagita na kanyang nilasing sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kulong ang suspek na si Edmar Santillices, 29-anyos, residente sa Medina St., Brgy. North Boulevard North (NBBN), may-ari ng isang computer shop na nahaharap sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination.

Batay sa reklamo ng 62-anyos lola ng Grade 12 na biktima, itinago sa pangalang Riza, matapos malaman ang pangyayari ay agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang magreklamo.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Navotas City police chief, P/Col. Dexter Ollaging, nagpaun­lak ang biktima sa imbitasyon ng suspek na itinuturing niyang katropa noong Biyernes ng gabi, kasama ang iba pa niyang mga kabarkada.

Gayonman, nang makaubos ng tatlong bote ng alak, nakaramdam ng pagkahilo bunga ng kala­singan ang biktima kaya’t hinayaan muna siyang makapagpahinga sa isang silid ng bahay habang nagpatuloy sa pag-iinu­man ang magbabarka­da.

Dakong 6:00 am kahapon nang maramda­man ng biktima ang mainit na kamay na gumagapang sa maseselang bahagi ng kanyang katawan at kahit gusto niyang manlaban, wala siyang sapat na lakas na pigilan ang kapangaha­san ng suspek dahil sa nararamdaman pagkala­sing hanggang matagum­pay na nailugso ng lalaki ang pagkababae ng dala­gita.

Nang makabawi ng lakas, kaagad isinumbong ng dalagita sa kanyang lola ang ginawang pangha­halay na naging dahilan upang humingi ng tulong kina P/Cpl. Clifford Lumelay at P/SSgt. Reyjie Gruta, kapwa ng Sub-Station 4 ng Navotas Police na nagresulta sa pagkaka­dakip sa suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …