Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng pana­hon.  

Taglay niya ang walang talong karta at pamoso sa kanyang depen­sa na walang makapasok na kahit sinong boksingero.

Bukod sa kanyang naging makulay na career, dalawang bagay ang gusto pang malaman ng kanyang fans tungkol sa kanyang personal na buhay at ang status ng kanyang relasyon sa mga babaeng nasangkot sa kanya.

Bagama’t nagretiro na si Mayweather sa boksing noong 2017, sa kasalu­kuyan ay buhay na buhay pa rin sa mga balita ang takbo ng kanyang buhay.

Marami sa kanyang fans ang masigasig na malaman ang tungkol sa relasyon ni Mayweather.  

Isang malaking kata­nu­ngan ay kung si Floyd ba ay kasal sa isang babae?

Ang isa pang nakaiin­tri­gang tanong ng fans ay kung ilan ba ang asawa ni Mayweather?

Nanggaling mismo sa bibig ni Mayweather, wala siyang pinakasalang babae.  

Inamin niyang may­roon siyang naging karelasyon sa nakaraan, kasama roon ang pagpasok niya sa relasyon kay Erica Dixon bago ang relasyon niya kay Josie Harris.

Pinakamatagal na naging kapareha niya si Harris na nagtagal ng 14 taon. Pagkatapos no’n ay nasangkot siya  kay Melissa Brim sa loob ng dalawang taon. 

At pagkaraan ng relasyong iyon ay marami pang babae ang dumaan sa buhay ni Mayweather.

Sa lahat ng mga nakarelasyon, kay Josie Harris siya nagkaanak ng  marami. Iyon ay sina Koraun Mayweather, Zion Mayweather, at Jirah Mayweather.  Samantala, may isang anak siya kay Melissa Brim.

Muli ay inulit ni Floyd sa social media na wala siyang pinakasalang babae sa lahat ng nakarelasyon niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …