Saturday , November 16 2024
Navotas
Navotas

Mas maraming oportunidad pangkabuhayan
CONSTRUCTION NG NAVOTAS CONVENTION CENTER SINIMULAN

INIANUNSIYO ni Navotas City lone district congressman John Rey Tiangco na sinisimulan na ang construction ng Navotas Convention Center (NCC) kasunod ng groundbreaking ceremony noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ani Rep. Tiangco, ang three-story NCC building na matatagpuan sa kahabaan ng Road 10, Brgy. Bagumbayan South, malapit sa Navo­tas Centennial Park ay maghahatid ng mas maraming oportunidad pangkabuhayan para sa mga Navoteño.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sakaling makompleto ito, ang Navotas ay magkakaroon ng sentro ng bulwagan na maaaring gamitin para sa pagpupulong, pagidiri­wang at iba pang activities na may kaugna­yan sa kabuhayan, turis­mo, edukasyon at malalaking events tulad ng sports at iba pa.

Ang first floor ng gusali ay ilalaan para sa indoor at outdoor parking habang ang second floor ay magkakaroon ng 10 function rooms na kayang tumanggap ng hanggang 700 individuals, anim na opisina at dalawang cafeteria.

Ang third floor ay magkakaroon ng standard-size na basketball court na may 4,225 seating capacity para sa mga manonood ng mga games o iba pang events. Naglagay din ng elevator para magamit ng mga taong may kapansa­nan, senior citizens at mga buntis.

“Maliit man ang land area ng Navotas, maka­titiyak kayo na patuloy natin itong tatayuan ng mga world class na impraestruktura at pasilidad,” ani Mayor Tiangco.

Ang construction ng NCC, ayon kay Cong. Tiangco, ay buhat sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Navotas, Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng kanyang tanggapan sa House of Representatives.

“Sa pagpapatayo ng NCC, mas marami pang magbubukas para sa kabuhayan at trabaho para sa mga kababayan nating mamamayan. Balakid man ang pan­demya sa ating mga plano, hindi tayo mapi­pigil sa pagpapataas ng antas ng buhay ng bawat Navoteno,” ani Rep. Tiangco.  (R. SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …