Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vivamax
Vivamax

Vivamax naghahandang mag-produce ng maraming content para sa global Pinoy audience

HUMANDA nang mag-binge-watch, dahil ang Vivamax, ang no.1 Pinoy streaming platform ay magri-release na ng dalawang originals linggo-linggo.  

Simula nang ilunsad ang Vivamax noong January 29, 2021 ay nakapag-produce na ito ng 35 original films at mga series. Mula sa unang release nito na Pornstar ni Darryl Yap, sunod-sunod na ang mga pelikulang may iba’t ibang genre ang naipalabas dito, kagaya ng Death of a GirlfriendRevirginized, The Housemaid, Mahjong Nights, Taya, More Than Blueat ang first original sequel ng Vivamax, ang Pornstar 2Tumatak din ang dalawa nitong original series na Parang Kayo Pero Hindiat KPL.

May mga classic films din na mapapanood sa Vivamax na hindi lang galing sa Viva library, kundi pati na rin sa ibang production companies kagaya ng Star Cinema, Regal Entertainment, 1017P, Reality, IdeaFirst, at Brillante Mendoza’s Center Stage Productions. Hindi rin magpapahuli ang Vivamax pagdating sa mga bida nito na mga naglalakihang bituin sa industriya, ilan lang dito sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Bela Padilla, Nadine Lustre, Andrew E., Yassi Pressman, Kim Molina, Jerald Napoles, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Carlo Aquino, at sina Toni at Alex Gonzaga. Andito rin ang pelikula ng mga mahuhusay na direktor tulad nila Brillante Mendoza, Lawrence Fajardo, Roman Perez, Darryl Yap, Joel Lamangan, at Yam Laranas. At siguradong mas marami pang madadagdag sa listahan sa pagdating ng 2022.

Nasa 52 na pelikula at series ang planong i-produce ng Viva sa taong 2022 para sa regular weekly release ng Vivamax Originals. Nitong December ay may 15 ng natapos na pelikula na naka-schedule ang showing sa Q1 at may 40 greenlit projects naman na tuloy-tuloy na ang production. Sa pagbubukas ng mga sinehan ay may walong pelikula na na magkakaroon ng theatrical release para sa pagbabalik ng classic viewing experience. Tuloy-tuloy pa rin ang commitment ng Viva na magkaroon ng P1 billion production budget taon-taon kahit na may pandemya at patuloy pa rin ang pagsuporta nito sa mga tao sa industriya para mapasaya ang mga Filipinong manonood

Mahigit 2 million subscribers ng Vivamax ang nag-aabang ng mga samo’tsaring content—mga fresh originals, classic films, romance comedy series, biggest Korean blockbusters, at mga sikat na Hollywood hits. Tuloy-tuloy din ang paglago ng subscriber base dahil ang Vivamax ay nananatiling #1 top-grossing Philippine entertainment app sa Google at GCash. Mas pinadali na rin ang pag-purchase ng subscriptions sa Vivamax dahil sa mga budget-friendly plans: P49 (1 week), P149

(1 month), P399 (3 months) P749 (6 months) P1390 (1 year). Mabibili ito in-app via GCash at credit card. Maari ring bumili ang mga subscribers ng Vivamax vouchers sa 7-11, Ministop, Shopee, Lazada, SM Retail, GCash, at PayMaya, sa susunod ay mabibili na rin ito sa sari-sari stores at inyong mga suking tindahan. 

Ang Vivamax ay nakarating na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Bukod sa Pilipinas, makakapanood na ng Vivamax sa Australia, Brunei, Hong Kong, Indonesia, Japan, Korea, Macau, Malaysia, Maldives, New Zealand, Singapore, South Korea, United States, Canada, Middle East, at ilang mga European territories. (Available titles vary per country) (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …