Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Sa Valenzuela
5 TULAK KULONG SA P.4-M SHABU

LIMANG tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang security guard ang naaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operations ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa report ni P/Cpl. Glenn de Chavez kay Valenzuela police chief, Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 2:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Cam-cam St., Brgy. Gen T. De Leon.

Agad dinamba ng mga operatiba ang kanilang target na si Arvin Amaro, alyas Bunso, 34 anyos, residente sa Quezon City, matapos pagbilhan ng P60,000 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer.

Nakompiska sa suspek nang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P340,000, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, 59 pirasong P1,000 boodle money at cellphone.

Dakong 4:30 am nang matimbog ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Dulong Tangke St., Brgy., Malinta sina Michael Tongco, 20 anyos, at Jerome Corpuz, alyas Ninong, 32 anyos, isang  security guard.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa apat gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P27,200, P500 marked money, at P200 cash.

Nauna rito, dakong 3:45 am, nadamba rin ng isa pang team ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre sa buy bust operation sa Francisco Compound, Brgy. Gen T. De Leon ang mga suspek na sina Joel Laureta, 31 anyos, at Philip Urbano, 40 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang pitong gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P47,600, P300 marked money, P100 cash at cellphone.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …