Tuesday , November 19 2024
Fernando Poe Jr Avenue

Batas nilagdaan ni Duterte
ROOSEVELT AVE., PINALITAN NG FERNANDO POE, JR., AVE.

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpalit sa pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City sa Fernando Poe, Jr., Avenue.

Ayon sa Malacañang, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11608 noong 10 Disyembre 2021.

Matatagpuan ang ancestral residence ni Poe sa Roosevelt Ave., sa 1st District ng Quezon City.

Ang tunay na pangalan ng King of Philippine Movies ay Ronald Allan Kelley Poe.

Nauna nang idineklarang National Artist si Poe na natunghayan sa 300 pelikula sa loob ng kanyang 46 taon sa showbiz.

Matatandaan, binawian ng buhay si Poe noong 2004 sanhi ng sakit sa puso ilang buwan matapos siyang matalo sa 2004 presidential elections. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …