I-FLEX
ni Jun Nardo
TULOY ang pagbibigay-sigla sa tanghalian ng Eat Bulaga sa GMA Network! Naganap ang pirmahan ng magkabilang panig, TAPE, Inc. (producer ng noontime show at GMA executives) kamakailan at kahapon ay nagkaroon ng virtual mediacon para sa entertainment press.
Mula sa RPN 9, lumipat sa Channel 2 ang Bulaga at noong January 28, 1995 ay tumalon sa GMA Network at nanatili hanggang ngayon.
Bale 27 years na ang pagsasama ng GMA at Eat Bulaga.
Sa nakaraang contract signing, ginawang virtual ito dahil sa pagdami ng COVID-19 cases.
Kahit nandiyan pa rin ang virus, may live, taped, at rewind episodes ang Bulaga bilang proteksiyon sa lahat na nasa APT Studio ‘pag live ang episode.
Congratulations, TAPE Inc. and Eat Bulaga!