Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sextortion cyber

Dalagita ginawang sex slave ng ka-chat

ni Almar Danguilan

Nasagip ang 14-anyos na dalagita na dinukot at ginawang ‘sex slave’ ng ka-chat sa Facebook sa loob ng 10-araw sa tahanan nito sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi. 

Ang suspek na nadakip ay nakilalang si Jerald Avenilla Porqueriño, 21, walang trabaho, tubong Mauban, Quezon Province at naninirahan sa Kamias Road kanto ng Maliksi St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Sa report ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 2:00 ng hapon (January 1) nang dukutin ang biktima sa Purok 6, Brgy. Tabacao, Talavera, Nueva Ecija at dinala ng suspek sa kaniyang tahanan sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PMSg Virginia B Balberona ng Women and Children Protection Desk ng PS 10, ang biktima at ang suspect ay magka-chat sa Facebook Messenger simula pa noong December 24, 2021. 

Sa pamamagitan ng text messages ay nakumbinsi ng suspek ang biktima na magkita sila sa Brgy. Tabacao, Talavera, Nueva Ecija. 

Nang magkita ang dalawa ay dinala ni Porqueriño ang dalagita sa bahay ng kaniyang kaibigan sa Brgy. San Jose, Nueva Ecija at nanatili sila doon ng mahigit 20 oras.

Dahil dito, nagpasya ang dalagita na umuwi na pero puwersahan siyang isinakay ng suspek sa Baliwag Transit patungong Maynila at dinala sa kaniyang tahanan kung saan ito paulit-ulit na pinagsamantalahan hanggang January 10.

Nang makakuha ng pagkakataon ang biktima ay kinontak niya ang kaniyang mga magulang na agad namang lumuwas ng Maynila, at humingi ng saklolo sa mga opisyal ng Brgy. West Kamias na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 8353, R.A. 7610 at Forcible Abduction laban sa suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …