Friday , November 15 2024
Ashley Aunor

Ashley Aunor, pinaplantsa na ang debut album!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor ay abala ngayon dahil pinaplantsa na ang kanyang debut album. Ito ang aming napag-alaman nang nakahuntahan namin recently ang bunso ni Ms. Maribel Aunor.

Lahad ni Ashley, “I’m currently working on the production of my debut album to be released this year.

“Super excited to let everyone hear my new music! At the same time, gumagawa rin kami ni Ate Marion ng bagong music for her to be released under her label Wild Dream Records. Life is great!” Masayang sambit pa niya.

Ano ang plano niya para sa year 2022?

“Ang plano ko this 2022 is to keep creating music, enjoy and simply be open to all the blessings 2022 has in store for us,” aniya.

May something ba na nilu-look forward siya ngayong 2022, na wish niyang magawa talaga?

“As I mentioned po, I’m looking forward to the new music and content Aunorable Productions will be releasing very soon. Abangan! Hahaha!” Nakatawang wika pa ni Ashley na kilala rin sa tawag na Cool Cat Ash.

How about ang tandem nila ng kanyang ate Marion, may pasabog bang dapat abangan sa kanila, very soon?

“Hindi pa ako puwedeng mag-reveal ng details but for now, I can say that maraming bonggang pasabog ang Aunorable Productions this 2022,” bitin na wika pa ni Ashley.

Nang inusisa naman namin ang album mula sa mahal niyang lola na si Mamay Belen, ito ang tugon ni Ashley:  “Na-release po last December 29, 2021 ang Christian album ni Grandma AKA Mamay Belen Aunor entitled ‘May Bahay Ako Sa Langit’. This album is a compilation of her original songs fully composed by her na na-restore ko from her days while she was on earth.

“Her album May Bahay Ako Sa Langit by Mamay Belen Aunor is out now on all digital streaming platforms including Youtube, Spotify, iTunes, etc.”

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …