Tuesday , November 19 2024
Sing Galing Sing Back-Bakan

Sing Back-Bakan at Non-stop Duelo-han simula na sa Sing Galing ngayong 2022

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGBABALIK at magpapagalingan ang mga singtestants na tumatak, pinag-usapan, at sinuportahan ng mga ka-awitbahay.

Tampok sa bonggang pagsalubong ng TV5 sa bagong taon ang pagsisimula ng Sing Galing Sing Back-Bakannoong January 3, ang wildcard edition ng Ultimate Videoke Kantawanan Game Show ng Bansa. Bibida sa bagong edition ng Sing Galing ang mga singtestant na minsan nang tumatak sa mga ka-awitbahay.

Ipinakilala bilang Team Balik ang mga pinag-usapan at sinuportahan na mga singtestant na hindi pinalad na makabilang sa Team Galing na ngayon ay magpapasing-galingan sa kanilang pagbabalik. Bawat episode ay susunod sa pina-level up na 3-round format: Randomising: Pang-Sing-GalinganHula-Oke Jukebosses Edition, at ang final round na Duel-Oke Face-Off Edition. Isa sa apat na singtestants bawat level ang tatanghaling Team Balik Bida-Oke Star of the Night, na siyang aabante sa susunod na yugto ng Sing Back-Bakan, na araw-araw ay may Duelo-han.

Bagong taon, bagong pagkakataon para sa mga Team Balik singtestants na magpapa-sing-galingan sa videoke, mula sa Mindanao, Visayas, at Luzon: Rachel Cardenas ng Caloocan, Arjay Cabael ng Batangas, Bly Peña ng Valenzuela, Zarmine Pusta ng Davao De Oro, Joyce Yadao ng Manila, Vincent Guim ng Sorsogon, Auriz Llorenz ng Camarines Sur, Myca Capili ng Laguna, Carl Ganaden ng Tarlac, Diadelyn Tano ng Quezon Province, Jamal Africa ng Lucena, Rowel Soliven ng Ilocos Sur, JR Navarro ng Baguio, Gia Gonzales ng Cavite, Joan Odeh ng Novaliches, Wilson Baylon ng Rizal, Camille Peralta ng Bulacan, Dennis Narag ng Cagayan Valley, Des Delagado ng Pangasinan, Kent Datu ng Davao Del Norte, Aria Angcon ng Cebu, Cris Cerbito ng Valenzuela, Dave Ballesteros, at Musica Reyes ng Cavite, na makikipagbakbakan para sa huling tatlong slots ng Team Galing.

Lahat ng Team Balik finalists ay magpapatuloy sa semi-finals para harapin ang mga kasalukuyang Team Galing members na sina Regielyn Fernandez ng Baler, Jean Jordan ng Taguig, Kim Macaraig, at Kit Inciong ng Batangas, Jamaica Lamit ng Bicol, Mari Mar Tua ng Pampanga, at Dennis Santos ng Bulacan.

Sino ang kukompleto sa natitirang slots ng Team Galing? Abangan ang mga pasabog sa susunod na mga linggo at alamin kung sino ang magiging Team Balik Bida-Oke Star of the Night sa Ultimate Videoke Kantawanan Game Show ng Bansa, Sing Galing, tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 6:30 p.m. sa TV5.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …