Wednesday , May 14 2025

Sa pagwawala at pagpalag sa pulis
KELOT, KULONG SA BARIL

“ANO’NG Pulis? Walang pulis pulis sa akin, magbarilan nalang tayo papatayin ko kayo!”

Ito ang sinasabi ng nagwawalang lalaki na may hawak na baril at nanlaban sa mga umaawat na pulis sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa kulungan, na natauhan ang lasing  na suspek na kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging na si Richard Cailing, 43 anyos, residente sa Brgy. 128, Upper Smokey Mountain, Tondo, Maynila, nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 155 RPC (Alarms and Scandal) and RA 10591.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Karl Benzon Dela Cruz,  dakong 11:00 pm, habang nagsasagawa ng monitoring at surveillance operations ang mga operatiba ng Station Intelligence Section ng Navotas police sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., sa kahabaan ng Sitio Puting Bato St., Brgy. NBBS Proper nang makita nila ang suspek na nagwawala at pinagbabantaan ang bawat isa sa naturang lugar.

Nilapitan si Cailing ng arresting officers saka nagpakilalang mga pulis at tinangkang awatin ang suspek ngunit imbes making, nagsisigaw at nagbanta pa.

Dahil sa patuloy na pagwawala at panlalaban, napilitan ang mga pulis na arestohin ang suspek at nang kapkapan ay nakuha ang isang kalibre .38 pistol na kargado ng tatlong bala.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …