PABORABLE ang resulta para kay Jeremy “The Jaguar” Miado nang lumipat siya sa Marrok Force MMA gym sa Bangkok dahil nagkaroon siya ng matinding pagbabago sa ONE Circle.
Ipinakita ng Filipino strawweight sa kanyang ‘bashers’ na kaya niyang talunin muli si Miao Li Tao via second-round technical knockout win sa ONE: NEXTGEN nung Oktubre.
“I’m very glad because I was able to show to everybody that I am for real,” sabi niya. “After my first win against Miao [at ONE: AGE OF DRAGONS in 2019], many people thought I just got lucky, especially with our fight being held there in China. But in this second fight, I showed them that Pait wasn’t luck.”
Ang nasabing panalo ni Miado ay nakapagpapataas ng morale na nag-improve ang kanyang rekord sa 10-4 at sa wakas ay nailista niya ang unang panalo sa ‘The Home of Martial Arts.”
“That win really boosted my confidence. As an athlete, to win back-to-back fights shows that I am really improving after every fight. I was also able to prove to myself that I do deserve to be fighting here,” pahayag niya.
Sa ngayon ay target ni Miado ang umakyat nang husto sa hanay ng mga kontender para makarating sa ituktok at magkaroon ng karapatang hamunin para sa ONE Strawweight World Championship na sa kasalukuyan ay hawak ng kababayang si Joshua “The Passion” Pacio ang belt.
Unti-unti ang pag-hakbang ni Miado sa inaasam. Ang susunod niyang makakalaban ngayong taon ay si Senzo Ikeda ng Japan sa Enero 14 sa Singapore.