Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Business taxpayers magulo ang utak

NILALANGAW pa ang tanggapan ng treasury department ng mga city hall dahil sa muling pagdedeklara ng Alert Level 3 sa NCR sa patuloy na pagtaas ng CoVid-19 at Omicron variant sa bansa. 

Apektado ang mga negosyante, ‘sakal’ na naman ang kanilang mga negosyo, partikular ‘yung mga restoran, karinderya at iba pa. Puro pa-assessment pa lamang kung magkano ang babayaran at posibleng nag-iisip din kung magpapatuloy ng negosyo dahil sa takot sa nakaambang Alert Level 4 sa NCR bunga ng patuloy na pagtaas muli ng CoVid-19 cases sa bansa.

Nakikiramdam, ‘yan ang palagay ng lahat, sa Alert Level 3 ay trenta porsiyento lamang ang kapasidad ng bawat restoran. Higit sa lahat takot lumabas ang mga tao, paano magte-take-out ng pagkain. Kaya pagkatapos ng holiday seasons, higpit sinturon na naman ang taongbayan. 

Ang mga empleyado ng City Hall, skeletal system ngayon pero tuloy ang  suweldo. Paano ‘yung iba pang namamasukan sa mga establisimiyentong “no work, no pay?”

Pinagbigyan ng gobyerno na mai-celebrate ang Kapaskuhan, na inabuso ng lahat. Siksikan sa pamimili, mga sosyalan, Christmas party, dagsa at siksikan ang mga tao sa malls. Heto ngayon ang resulta, balik sa dati.

Paano ang LGUs na ang pag­babayad ng business taxpayers ang ina­asahang kolek­siyon upang maisagawa ang iba’t ibang proyekto? Paano mag­kakaroon ng mga operational expenses kung ang pag­ba­bayad ng buwis ng mga nego­syante ay ka­kaunti? Ina­asahan ito ng bawat LGU bukod sa pag­babayad ng real property tax.

Ang mga eskuwelahan, lalong naudlot ang face-to-face na pag-aaral, mga estudyante nag-aaral ng ‘di man lamang nakatatapak sa kanilang paaralan. Meron kaya talaga silang natutuhan? 

Wala bang pangamba na pagdating ng araw ay maraming jobless na newly graduates? Dahil kulang sa kaalaman? 

Sana matapos na ang paghihirap ng sambayanang Filipino na dulot ng CoVid-19. Kung kailan, walang makapagsasabi! Hangga’t may mga pasaway, hangga’t may mga hindi naniniwala sa CoVid-19, hindi matatapos ang problema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …