Friday , May 2 2025

Machine operator sa cold storage nahulog sugatan

SUGATAN ang isang machine room operator nang mahulog sa pinagtatrabahuang cold storage sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang  kinilalang si Amiel Herrera, 25 anyos, residente sa Block 1 Lot 16, Don Fernando Homes, Brgy. Niugan, Malabon City sanhi ng pinsala sa ulo.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/Cpl. Godfrey Billy Aparicio at P/Cpl. Florencio Nalus kay Navotas City  police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 2:45 pm nang maganap ang insidente sa loob ng VVS Cold Storage sa C3 Road corner R-10, Brgy. NBBS Proper.

         Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Jeromel Oligan, 27 anyos, machine room operator din, nagtungo siya sa likurang bahagi ng cold storage para i-check up ang solenoid bulb ng kanilang machine na matatagpuan sa fourth floor ngunit laking gulat nang makita ang biktima na nahulog at tumama sa isang parallel metal bar.

Dali-daling bumaba ang saksi at humingi ng tulong sa kanilang mga katrabaho saka mabilis na isinugod ang biktima sa naturang pagamutan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …

Senate Senado

“Labor Commission” isinusulong sa senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission …

Leninsky Bacud ABP Partylist

P1-M pabuya alok ng ABP Partylist laban sa gunman, utak sa pagpaslang kay Bacud

NAG-ALOK ng halagang P1 milyon ang Ang Bumbero ng PIlipinas (ABP) Partylist sa makapagbibigay ng …

Bigas Rice P20 per kilo

P20/kilo ni Marcos ‘gimik’ para makapuntos ng boto — CPP

“KASUKLAM-SUKLAM ang gobyernong Marcos sa paggamit sa gutom at kahirapan ng mga Filipino para lang …

Batangas Money

Batangas SP iimbestigahan educational aid sa lalawigan

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala ang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas sa estilo ng pagkaltas sa …