WALANG balak si Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng kapatawaran sa mga pinatay sa ipinatutupad na drug war ng kanyang administrasyon.
“Pero ‘yan ang sinabi ko, I will never, never apologize for the death of those bastards, Patayin mo ako, kulungin mo ako, p….i…. I will never apolize,” aniya sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi.
“Tapos ‘yung human rights kasi daw brutal. Anong brutal? What about their brutality to the children of this country? You destroy my country, you bring disorder and you destroy the lives of our children. I will kill you. I admit that sinabi ko ‘yan,” dagdag niya.
Pinayohan pa niya ang mga pulis na huwag matakot kapag sinampahan ng kaso dahil susuportahan niya basta naaayon sa batas.
“At sinabi ko sa pulis, do not be afraid ng kaso, I will back you up. But do it in accordance with law, and if you have to kill, mas gusto ko, mamatay na ‘yang mga… Kasi karamihan ngayon nagkakapiyansa, ‘yan,” anang Pangulo.
Muling iginiit ng Pangulo na hindi niya kinikilala ang International Criminal Court (ICC).
Si Duterte at iba pang opisyal ng kanyang administrasyon ay nahaharap sa kasong crimes against humanity of murder.
Tinatayang umabot sa 12,000 hanggang 30,000 ang pinaslang sa Duterte drug war. (ROSE NOVENARIO)