MA at PA
ni Rommel Placente
NAG-POST si Aiko Melendez sa kanyang Facebook account ng saloobin sa paglagay sa bansa sa alert level 3.
Sabi niya publish as it is, “Ang dami ko nanamang Sirena ng ambulance nadidinig. Nakaka paranoid at me kurot sa puso ko. Marahil trauma na naalala ko ung mga panahon na me phone call kami nakuha sa US na ung dad namen nahospital from Covid at hanggang binawian ng buhay. Mag one year na wala si Daddy Dan Castaneda and masakit kasi sya nagpalaki sa akin. Ayaw ko na magturo manisi, kasi tapos na kahit ano pa gawin ko di na mababalik buhay ng dad namen. Tas ung akala nateng lahat medyo umaayos na bigla Alert 3 nanaman tayo. Lahat ng pag iingat ginagawa naman nateng lahat. Pero sadyang mapaglaro ang covid. Me mga kakilala ako nagka covid kht anong ingat nagkakahawaan pa dn. Kahapon kausap ko mga kuya sa TODA lahat sila nababahala sa alert 3 san naman nila kukuhain ang mga pang araw araw nila sa pamilya nila.? Ung Transport Group naman dn apektado dahil sinara tuluyan ang pagkakataon nila makabyahe kahit sobrang kitang kita mo na hirap ang mga tao pauwi na ninanais lang naman makasakay at makauwi ng maayos. Ung mga business sectors naman pabawi palang bigla babagsak nanaman. Sa aking palagay me mga sector tayo na dapat pinapayagan na dn ang pagbyahe kasi kailangan dn na di nagsisiksikan ang mga pasahero sa bus o jeep para di nagkakahawaan sa loob ng siksikan na pasahe. Aminin man o hindi meron tayong mga sinara na di dapat ginawa. Bottom line ng lahat post ko is , ang pag iingat ng bawat tao ay dapat collective efforts, tigilan na ang mga palakasan ng connections, sana sa mga sarili naten maging maingat tayo. Lahat lahat tayo. Kng gusto nyo magparty sana sarili nyo mismo eh magpatest kayo bago humarap sa ibang tao. Make sure na wala kayo symptoms. Otherwise paulit ulit lang tayo, Going around circles pataas ng pataas lamg ang covid alert. Wake up! And sa mga Goverment officials na lumabag sana isanction sila hindi puro ang maralita ang nabibigyan ng leksyon sa usaping ito. Kasi pag dumating dn naman ang tamang panahon sino ba nilalapitan nateng lahat??? Hindi ba ang mahihirap ang majority. Alagaan naman naten sila… Kakapagod na dn kasi paulit ulit lang ang scenarios. Maawa dn tayo sa mga OFW na nagkakanda kuba sa kakatrabaho tas gusto lang umuwi pero dhl sa mga kapalpakan ng ibang napaka wala pakiramdam nadadamay sila
Stay safe everyone! Alert 3 na tayo uli.