Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
security guard mall family line
INATASAN ang local government units (LGUs) na magsagawa ng resolusyon sa pagpasok ng mga menor de edad sa mga mall at pampublikong lugar. Makikita sa larawan ang ilang mga magulang kasama ang kanilang mga supling sa isang department store sa Maynila. (Larawan mula sa Philippine News Agency)

Eleazar pabor sa pagbabawal ng mobilidad ng hindi bakunado

MAKATI CITY, METRO MANILA — Kasunod ng dalawang alkalde na nagpositibo sa CoVid-19 at paglalagay sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 status, hiniling ni Partido Reporma senatorial aspirant Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar sa mga awtoridad na paigtingin ang vaccination program sa bansa at kasabay nito ay magpatupad din ng pagbabawal sa mobilidad ng mga taong hindi pa nababakunahan upang mapigilan ang pagkalat ng mga impeksiyon sa gitna ng banta ng CoVid-19 Omicron variant.

Inihayag ito ni Eleazar, dating executive officer ng Task Force CoVid Shield noong siya pa ang hepe ng Philippine National Police (PNP), habang tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus na natunton sa sinasabing pagiging kampante at sadyang hindi pagsunod ng ilan sa mga minimum health safety protocol at gayondin sa pagbabantulot sa pagpapabakuna ng ilan.

Binanggit ng dating hepe ng PNP, noong panahon ng Kapaskuhan, maraming mga ulat ng ilang insidente na may mga lumalabag sa protocol na dapat ay sinusunod sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga impeksiyon nitong nakaraang Disyembre at paglalagay sa National Capital Region (NCR) Plus, kabilang na ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Bulacan, sa Alert Level 2 status.

Bilang reaksiyon sa dumaraming bilang ng mga kaso ng CoVid-19, na dumoble sa nakalipas na mga araw, nagbabala ang health experts sa publiko na magsagawa ng mga hakbang para maprotektahan ang kanilang mga sarili mula sa sakit kaya sa Maynila ay inihayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mahigpit na restriksyon sa lungsod sa gitna ng pagpapabalik ng Alert Level 3 sa NCR Plus simula kahapon, 3 Enero.

Nitong nakaraang araw ng Linggo, nagsagawa ng emergency meeting si Domagoso sa medical sector ng Maynila, kasama ang health authorities, para magpresenta ng mga plano at paghahanda na gagamitin ng pamahalaang lungsod sa pagbalangkas ng guidelines sa darating na mga linggo at buwan para mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19.

Napaulat, mula sa average na 70 sa 90 pasyente ng CoVid-19, umakyat ang mga aktibong kaso sa Maynila sa 574 nitong Linggo, 2 Enero, at ito ang nagbunsod para ipag-utos ang mga pagbabawal sa mga hindi bakunado na pigilang makapasok sa mga mall at paggamit ng mga public transportation vehicle (PTV).

Bilang reaksiyon, sinabi ni Eleazar, dapat magpatupad ng mga restriksiyon sa mobilidad ng mga wala pang bakunang indibiduwal dahil makatutulong ito sa mga awtoridad na pigilan ang pagkalat ng sakit, lalo na dahil may nakababahalang pagtaas hindi lamang ng mga kaso ng CoVid kundi maging ng trangkaso na maaaring maging dahilan para madali silang mahawa ng mga viral infection.

“Huwag nating sayangin ang mga sakripisyo nating ginawa para marating natin ang Alert Level 2 na ngayon ay nasa Alert Level 3 sanhi ng dumaraming mga kaso ng CoVid-19. Let us cooperate so we can quickly normalize the situation and we will be able to fasttrack our recovery from the health crisis,” aniya. (TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …