Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brenda Mage Alexa Ilacad

Brenda Mage sinipa na sa PBB; Fans ni Alexa nagbunyi

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI ang natuwa, lalo na ang mga fan ni Alexa Ilacad nang ma-evict na sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 si Brenda Mage. Hindi ito napasama sa Top 2. Sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ang pasok sa Top 2 sa bagong season ng nasabing reality show ng ABS-CBN.

Paano kasi, back fighter ang nasabing komedyante. Magaling lang ito kapag kaharap ang kapwa housemate. Kaya talagang ibinoto siya ng taong bayan para ma-evict at hindi na nga mapasama sa Top 2.

Si Alexa nga ang talagang lagi nitong sinisiraan.

May isang episode noon ng PBB na sinabihan niya si Alexa habang kausap si Madam Inutz na ganda lang at ‘yung loveteam nila ni Eian Rances ang ambag  nito sa loob ng bahay ni Kuya. At napanood ‘yun ni Alexa after siyang ma-evict. 

At nang humarap nga silang lahat ng na-evict sa natirang Top 5 noon na sina Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, at Samantha ay tinanong ni Alexa si Brenda kung totoong ganda at loveteam-loveteam lang ang ambag niya sa PBB house na gaya ng sabi ni Brenda, nag-deny naman ito. 

Ayon kay Brenda, si Alexa lang ang nagsabi niyon. Pinangatawan talaga niya na wala siyang sinabing ganoon sa dalaga.

Nakatatawa si Brenda. Magsinungaling pa ba? 

Hindi siguro siya aware na lahat ng ginagawa at pinag-uusapan nila sa PBB house ay naka-record, at pina­panood sa mga na-evict na. Kaya aware si Alexa sa paninira niya.

Dahil nga sa ganoong ugali ni Brenda na isang Marites, ayun at ibinoto nga siya ng publiko para matanggal na sa PBB House.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …