I-FLEX
ni Jun Nardo
UNANG pagkakataong malayo ni Ai Ai de las Alas ngayong Pasko.
Nasa Virginia si Ai Ai kasama ang asawang si Gerald Sibayan. US legal resident ang Comedy Queen kaya roon muna sila mamamalagi ng asawa.
Ibinahagi ni Ai sa kanyang Instagram ang mga first time na ginawa niya roon.
“First time na mag-Christmas sa Ashburn, Virginia. Magsimba sa St Theresa Church. Mag-Christmas na 2 lang kami.
“At first time na maglugay ako ng buhok habang mass…semicavewoman na ‘yung buhaghag kong buhok hahaha,” caption ni Ai Ai.
Habang nasa Amerika, nakaplano na ang pag-iikot ni Ai Ai sa Pinoy communities para sa projects ng GMA Pinoy TV.