Tuesday , April 15 2025

‘Summary eviction’ sa mga residente sa tabing dagat – Duterte

122721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

POSIBLENG hindi na makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng apektado ng bagyong Odette.

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang summary eviction o paalisin ang mga residente sa mga delikadong lugar lalo sa tabing dagat.

Nais niyang ipatupad ito ng mga lokal na opisyal matapos  bisitahin ang mga sinalanta ng bagyo.

Hindi na aniya kailangan hintayin pa ang desisyon ng korte dahil hangad lang niya na maprotektahan ang mga mamamayan.

“Summary eviction. Hindi na maghintay ng korte-korte, maniwala ka riyan sa korte. Basta may mag-enter diyan — about intervention, usually ‘yung mga writ of injunction ganoon — e ‘di sabihin lang natin, ‘You know, judge, this is what the government wants: to protect its citizens,’” anang Pangulo sa command conference sa Cebu.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng ulat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mahigpit na ipatutupad ng kagawaran at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang batas na nagbabawal magtayo ng tirahan 40 metro mula sa tabing dagat.

“And then nag-usap po kami ni Secretary Del Rosario, ‘yun pong batas na dapat 40 meters easement from the shoreline, wala po talagang dapat nakatira riyan. Lesson natin ‘yan sa Yolanda. We will strictly implement po together with the court na 40 meters easement from the shoreline dapat wala pong nakatira para wala nang ma — madidisgrasya and we will work DHSUD and NHA. Ang iba po riyan may bahay na talaga, ginawa ng NHA, ayaw nilang lumipat. So we have to implement that, Mr. President,” ani Año.

Sa ulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay umabot sa 378 katao ang namatay, 748 ang sugatan at 60 ang nawawala.

Habang nasa P20 bilyon  ang naging pinsala sa agrikultura at impraestraktura at halos kalahating milyong bahay ang nasira.

Tiniyak ng Pangulo na lahat ng government assets ay gagamitin upang maghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

About Rose Novenario

Check Also

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …