HATAWAN
ni Ed de Leon
SIGURO hindi inaasahan ni Daniel Padilla na makararanas siya ng isang malaking flop. Bago nagkaroon ng pandemya, isang malaking hit ang ginawa ni Daniel na ang kinita ay halos P800-M. Pero hindi naman ito ang first time ni Daniel na nag-flop. Nagkaroon din siya ng flop sa MMFF nang isama siya ng tiyuhing si Robin Padilla sa pelikula tungkol kay Andres Bonifacio.
Hindi puwede si Daniel sa mga ganyang pelikula. Pogi siya eh, at dapat iyon ang gamitin niya sa mga pelikula niya. Hindi siya dapat na lumalabas na gusgusin sa pelikula. Hindi panonoorin iyan ng fans. Siguro milyon din ang kinita ng pelikula kung nagligawan na lang sila ulit ni Kathryn Bernardo. Pero bilang biktima ng bagyo, flop siya. Dapat magtanda na si Daniel. Huwag na siyang gagawa ng ganyang pelikula.