Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos

LA Santos humahataw sa paggawa ng teleserye

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA ang singer-actor na si LA Santos, huh! Pagkatapos kasi siyang mapanood sa seryeng Ang Iyo Ay Akin, na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado, heto at may kasunod na agad siyang serye sa ABS-CBN. 

Kasama siya sa Mars Ravelos Darna:The TV Series na bida si Jane de Leon.

Nag-chat kami kay LA para tanungin kung ano ang role niya sa Darna. Ang sagot niya, ”Ako po ay nasa EMT team and doon ko po makakasama ni Narda.”

Sa tanong naman namin kung paano siyang napili para para makasama sa Darna, ang sabi niya, ”Napili po ako dahil po sa JRB team po from my role sa ‘Ang Sa ‘Yo Ay Akin’. Masarap po sa feeling na nakasama po ako sa ‘Darna’. Mas na-motivate po ako to do better kasi po lahat po ng cast mates super driven kaya nakatutuwa po,” pagbabahagi ni LA.

Samantala, tuloy pa rin ang singing career ni LA.  Ang latest single niya ay ang Anong Pangalan Mo tampok ang rapper na si CLR at release ng 7K Sounds at ABS-CBN Music.

Ang nasabing awitin ay unang narinig sa swim suit competition ng Binibining Pilipinas 2021 na ginanap noong July.

O ‘di ba, bongga ang kanta ni LA dahil ginamit sa Binibining Pilipinas 2021.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …