HATAWAN
ni Ed de Leon
“SIGURO naisip din ng Diyos na matagal na ang anim na taon niyang paghihirap. At saka napakasakit niyang colon cancer ha. May umaabot doon sa stage na hindi nga namamatay pero hindi na nakayanan ang matinding sakit, kaya ang ginagawa nila binibigyan na lang ng morphine para wala nang maramdaman. Basta ginawa iyon wala na. Para na rin siyang patay. Hindi mo na makakausap. Kaya suwerte pa rin siya hindi siya umabot sa ganoong stage,” sabi ng isang kaibigan ni direk Arlyn dela Cruz.
Tahimik ngang namayapa ang peryodista at director ng pelikulang si Arlyn noong Lunes sa edad na 51, matapos ang anim na taong pakikipaglaban sa colon cancer.
Ipagdasal na lang natin ang kanyang kaluluwa. Sayang iyang si Arlyn. Kung hindi siya maagang yumao mas marami pa siguro siyang magagawang mga pelikula.