Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Winwyn Marquez Joey Marquez Alma Moreno

Joey at Alma emosyonal sa pagbubuntis ni Winwyn; Nelia pinipilahan ng mga int’l distributor

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMING rason para maging happy ang 6 months preggy na si Winwyn Marquez. Una, siya ang bida sa isa sa Metro Manila Film Festival entry na Nelia. Ikalawa ipinagbubuntis niya ang resulta ng pagmamahalan ng kanyang non-showbiz boyfriend,buntis. At ikatlo, tanggap ng kanyang mga magulang ang sitwasyon niya sa kasalukuyan dagdag pa na maligaya ang mga ito.

Sa presscon ng ng Nelia, kitang-kita ang masayang aura ni Winwyn. Marami nga naman siyang rason para maging masaya.

Aniya, first time niyang magbida sa pelikula. Madalas kasi siyang kontrabida sa mga ginagawa niyang serye. ”Kaya nang alukin ako ng A and Q Films Productions, hindi agad ako naniwala hangga’t hindi gumigiling ang kamera,” rason ng aktres/beauty queen.

Kung pagbabasehan ang kuwento ni Winwyn at iba pang kasama sa pelikulang sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Lloyd Samartino, Ali Forbes, Shido Roxas, Juan Carlos Galano, Massy Shamsoddin, at Sarah Javier maganda ang istorya ng pelikula at mabigat ang role ni Winwyn. Kaya naman natanong ito kung nag-e-expect siyang mag-best actress.

Aniya, ”Naku po, ‘di po ako nag-e-expect. Sapat na naibigay ko ang best sa paggawa ng pelikulang ito.”

Samantala, naikuwento ni Winwyn na napaiyak sa sobrang kaligayahan ang kanyang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno nang malamang buntis siya.

Kuwento ni Winwyn, itinago muna niya ang pagbubuntis sa publiko hangga’t hindi pa siya sure. ”I am on my way to my second trimester.

“Hanggang hindi pa sure lahat, I wanted to keep it for me and for my family to enjoy muna. Hindi ko rin naman ini-expect na mapapasama itong  ‘Nelia’ sa MMFF.

“I took it siguro as a sign na lang din na i-share kasi ang hirap din naman talaga itago. Kailangan ko rin talaga tulungan ’yung film na i-promote kahit online. Gusto ko rin talaga makapunta sa presscon and be with everyone kahit medyo nag-a-adjust pa ’yung body ko with everything,” pag-e-explain ni Winwyn.

Sinabi pa ni Winwyn na ipinakita niya sa kanyang vlog ang reaksiyon ng kanyang magulang sa kanyang pagbubuntis.

Bagamat nagulat si Alma nang malamang buntis ang anak, masaya ito at emosyonal naman si Joey.

“Very emotional, actually. I’m so happy I finally shared sa inyo. I really waited. We waited for the right time to tell everyone about it,” anito. ”Please pray for us, for our small family. Pray for us na everything will be fine,” hiling ni Winwyn.

Sinabi pa nitong, “This is such a good Christmas gift for me and my partner, for my family, for my parents.” 

Sa kabilang banda, sobrang happy din ang mga producer na sina Atty. Aldrin Alegre at Atty. Melanie Honey Quino na nakasama ang kanilang pelikula sa MMFF 2021.

Bagamat baguhan pa lamang sa pagpo-prodyusumaasa silang masusundan pa ang Nelia. Balita namin, pinaghahandaan na nila ang posibleng part 2 ng Nelia na ngayon pa lang ay pinipilahan na ng ilang international distributors para maipalabas sa Amerika at iba pang panig ng mundo.

“Hindi namin akalain na sa unang pagkakataon na gumawa kami ng full length film ay mapapasama kami sa mga entry ng MMFF. Maraming salamat po sa MMFF sa pagtangkilik at sana ay ito ang maging simula ng patuloy pang paggawa ng A and Q Films Production ng maraming pelikulang makapagbibigay aliw, tuwa, at aral sa mga Filipinong manonood,” sambit ni Atty. Alegre.

Mapapanood ang Nelia simula Dec. 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …