Friday , November 15 2024

Nabangga ng motorsiklo
PEDICAB DRIVER TODAS

PATAY ang isang pedicab driver nang mabangga ng isang motorsiklo sa Navo­tas City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Navotas City Hospital (NCH) ang biktimang kinila­lang si Dennis Pagu­layan, 39 anyos, residente sa R-10, Brgy., North Bay Boulevard North (NBBN) Proper sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng Yamaha NMAX, may plakang 630ATF na kinilalang si Manuel Maribojoc, 51 anyos, residente sa Vincent St., BF Road, Quezon City.

Sa report ni P/SSgt. Levi Salazar kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 7:45 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Road-10, NBBS Proper.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ni Maribojoc sakay ng kan­yang motorsiklo ang natu­rang lugar patungong Malabon City nang ma­bangga ang biktima na nagtangkang tumawid sa lugar.

Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay habang dinala ang driver ng motorsiklo sa himpilan ng pulisya.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …