Tuesday , December 9 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

COMELEC ‘di kasama sa dayaan tuwing eleksiyon?

Isumbong mo
Kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

ITINANGGI ni Commission on Elections (COMELEC) spokesperson James Jimenez na kasabwat ang Comelec sa mga gustong manalo tuwing eleksiyon kapalit ng pera.

Ayon kay Jimenez, walang dayaan na mangyayari kapalit ng salapi dahil automated machine ang ginagamit sa araw ng halalan. Deretsahang sinabi ni Jimenez na ang nagpapakalat umano ng isyu ay mga desperadong kandidato na totoo namang hindi mananalo.

Ang ‘pera-palit-panalo’ ay posibleng mangyari pero gumastos nang malaki ang kandidato na pumapasok dito. Bawat kandidato ay may makinarya, mayroon silang tinatawag na ‘operator’ na nagpapatakbo sa pamamagitan ng salapi. Ito ang magbibilang kung ilang botante ang bibigyan ng pera na gagawin sa bisperas ng eleksiyon. 

At si ‘operator’ din umano ang makikipag-usap sa mga nakatalagang ‘election officer.’ Kung konsehal ang iyong tatakbuhin iba-iba ang presyo. Malaki ang babayaran kung gusto mong maging no.1. Kung manipulasyon, paano ito ginagawa, tanging Comelec lang nakaaalam.

The highest bidder is the sure winner.

Pero itinanggi nga iyan ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

Sabi nga, noong araw, napakalinis ng eleksiyon. Kung gusto ka ng tao, ikaw ay tiyak na mananalo pero ngayon, heto na ang sabi: “Election is no longer God driven, it’s already a man made manipulation.”

‘Yan ay mula raw nang mauso ang dayaan, kung paano, tiyak na maraming paraan.

Ang kadalasang gumagawa umano nito, ang nagsusuhol ng salapi ay mga kandidaotng may perang handang sumugal. Manalo lang. Bihira sa independent ang nagwawagi dahil nag-iisa at walang partido.

Sigurado na ang kikita ngayon ay mga ‘operator’ ng bawat kandidato.

Wish you good luck!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …