Wednesday , December 18 2024
Catriona Gray

Catriona breadwinner ng pamilya

ALAM n’yo bang si Catriona Gray din ay naging breadwinner ng pamilya at naging problematic din siya noon sa paghahanap ng pagkakakitaan? 

Marami sa atin ang nag-aakalang may kaya ang mga pamilyang banyaga ang ama at naninirahan sila sa Pilipinas dahil nandito ang negosyo o hanapbuhay ng amang banyaga. 

Tiyak na marami sa atin ang nag-aakalang for leisure o self-fulfillment kaya nag-aartista o nagmomodelo ang mga tisay na gaya nina Catriona at Pia Wurtzbach. ‘Di pumapasok sa isip natin na sila man ay nagiging tagapag-hanapbuhay (breadwinner) ng pamilya. 

Naipagtapat ni Catriona kamakailan ang pagiging problematic n’ya noong 21 years old na siya na kumita nang malaki at regular para sa pamilya. Naipagtapat n’ya ‘yon noong virtual media conference para sa paglulunsad ng single n’yang ang titulo ay R. Y. F. 

“There were multiple times when I was giving up and felt like I wasn’t good enough,” pagtatapat n’ya.

“One of them was when I was quite young. I was 21. I was breadwinner of my family at that time and I didn’t have any new work opportunity coming in and I just felt like I kept getting ‘no,’ like every single opportunity kept closing on me.”

Catriona, who was then a budding model, didn’t know what to do with her life.

“I was like, ‘Is there something wrong with me? Am I kulang? Don’t have I anything good to offer?’ Like I questioned everything about myself.”

Nagduda pa nga siya kung dapat pa siyang manatili sa Pilipinas, o lumipat na ibang bansa na pwede siyang kumita ng malaki at regular. 

“I felt like I was such a disappointment to my family and it was a very hard time to me.”

Ang nagpabago ng isip at attitude n’ya ay ang pagiging Christian . 

“But it was very true that my life changed in strengthening my faith, because that’s how I started my faith journey as a Christian. That really pulled me out from that.”

She emphasized that her faith led her to her advocacy to promote children’s welfare and education, which eventually led her to try her luck in pageants that enabled her to speak more and raise funds for her causes.

“And also I was introduced into volunteerism that introduced me to pageantry so I was all of a sudden feeling that si Lord is guiding me talaga. He’s like, ‘Wait lang anak! I have something for you. Be patient lang!”

Hindi ego massage lang para kay Catriona na manalo siyang Bb. Pilipinas at sa paglaon ay Miss Universe 2019. Hanapbuhay din ‘yon na may malaking kita. ‘Di na n’ya pinoproblema ngayon ang pera na pambuhay sa pamilya.

(DANNY VIBAS)

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong buwis buhay stunts sa Tolome, underwater scenes kahanga-hanga

MA at PAni Rommel Placente SA grand mediacon ng weekly action-comedy series na Walang Matigas Na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB inilabas angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

SIYAM na pelikula mula sa maaksiyon hanggang sa nakaaantig ng pusong mga istorya ang binigyan …

Mary Joy Apostol Akihiro Blanco The Last 12 Days 

Mga pelikula ng Blade nasa Viva na, The Last 12 Days napapanood din sa 80 bansa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Mr Robert Tan, may-ari ng Blade nawala silang experience sa paggawa ng …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Mon Confiado Espantaho

Mon Confiado, kompiyansang papatok sa MMFF50 ang pelikulang Espantaho

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HABANG papalapit ang December 25 ay mas nagiging excited ang …