Sunday , December 22 2024
Comelec

Mga kandidato pinarerendahan sa Comelec

HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang Commission on Elections (Comelec) na magpalabas ng mga panuntunan para sa mga aktibidad ng mga kandidato bago ang pagsisimula ng campaign period sa Pebrero 2022.

Ang pahayag ni Año ay kasunod ng ginawang caravan ng presidential aspirant na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at ng running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Miyerkoles.

Aniya, bukod sa nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan ay hindi rin nasunod ang health protocols gaya ng physical distancing makaraang magsisiksikan ang mga tao.

“We’re asking the Comelec to say what are the political activities that are allowed and not allowed. We hope it will be definite because there might be similar incidents in the future,” ani Año sa kaniyang mensahe.

Kaugnay nito, kanila umanong tatalakayin ang isyu sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang maiwasan ang katulad na “super spreader” events.

“We will discuss this with the IATF, with the Comelec because the start of the campaign period is still in February, it’s a long way to go. We should be thankful that the Omicron (variant of CoVid-19) is not yet here and our numbers (on CoVid-19 infections) are good,” giit ni Año.

Binigyang diin ng kalihim na ang tanging magagawa ng Philippine National Police (PNP) at local government units ay magpatupad ng minimum public health standards.

Una rito, ikinalungkot ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagtangging makipag-ugnayan ng mga organizer ng caravan sa local authorities.

Humingi ng paumanhin ng kampo ni BBM sa mga motorista na naabala dahil sa pagbigat ng trapiko na idinulot ng kanilang caravan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …