Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Arcilla

John Arcila nahirapan sa A Hard Day

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

AMINADO si John Arcilla na sobra siyang nahirapan sa A Hard Day kompara sa ibang mga pelikulang nagawa niya. Matindi kasi ang challenges na hinarap niya bilang kontrabida ni Dingdong Dantes sa pelikulang handog ng Viva Films at isa sa entry sa 2021 Metro Manila Film Festival at idinirehe ni Lawrence Fajardo.

Bagamat nahirapan, tiniyak naman ni John na isa ang pelikulang ito sa pinakamagandang proyekto na  ginawa niya.

Ang A Hard Day ay Philippine adaptation ng 2014 South Korean crime action film na ganito rin ang title na pinagbidahan ni Lee Sun-Kyun. Kasama rin ito sa official selection ng 2014 Cannes Film Festival’s Director’s Fortnight at nakatanggap ng maraming awards mula sa iba’t ibang award giving bodies sa South Korea.

Ani John, bilib siya sa galing at professionalism ni Dingdong.

Ang A Hard Day ay ang Philippine adaptation ng 2014 South Korean Crime Action film na may parehong title at tampok si Lee Sun-Kyun (Parasite). Ang pelikulang ito ay official selection din sa 2014 Cannes Film Festival’s Director’s Fortnight. At sa South Korea  tumabo rin ang pelikula ng mga award mula sa mga iba’t ibang award-giving bodies, kabilang na ang prestihiyosong Baeksang Arts Awards na nakuha nila ang Best Actor at Best Director awards.

Ang mga award-winning na pelikula gaya nito ay marapat lang na gawan ng adaptation ng award-winning na direktor at mga aktor. Kaya naman pinili ni Direk Lawrence ang dalawa sa mga pinakamahuhusay na aktor ng pelikulang Filipino: sina Dingdong at John . Sa paglipas ng panahon, napatunayan ni Dingdong ang kanyang galing sa pag-arte, sa pagkamit ng mga acting awards para sa film at television. Kasama na rito ang kanyang dalawang MMFF Best Actor awards para sa pelikulang  Segunda Mano at One More Try. Si John naman ang Philippine Cinema pride sa kanyang pagkapanalo noong Setyembre sa 2021 Venice Film Festival. Nakuha ni John ang Volpi Cup for Best Actor para sa kanyang pagganap sa pelikulang On the Job: The Missing Eight.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …