Sunday , December 22 2024
Ping Lacson Raffy Tulfo

Idol Raffy bilib sa pagiging matinong lider ni Ping

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

Itinago ni Senatorial aspirant Idol Raffy Tulfo ang sobrang bilib sa husay at pagiging matinong lider ni presidential candidate Senator Ping Lacson.

Naikuwento ito ni Idol Raffy sa kanyang Facebook at Tiktok account kung papaano niya nakita kung gaano katinong opisyal si Lacson, lalo noong naging hepe ito ng pulisya noong 1991 hanggang 2001.

Sa isang pagtitipon kamakailan sa mga tsuper at lider ng transport group at mga lokal na opisyal sa Tanza, Cavite, ikinuwento rin ni idol Raffy na nagsisimula pa lang siya sa kanyang public service career bilang brodkaster nang maglabas ng ultimatum si Lacson sa mga pulis na isauli ang lahat ng carnap vehicles na ginagamit nila.

Matapos ang ultimatum, napuno ng mga sasakyan ang Camp Crame. Roon nakita ni Idol Raffy na mataas ang pagrespeto ng mga pulis kay Ping. Bukod doon, ginagawa ni Ping ang kanyang sinasabi.

Bukod sa pagsasauli ng mga carnap na sasakyan, tumatak din kay Idol Raffy ang ”no kotong” at ”no take” policy ni Ping na malaking pakinabang ng mga nasa transport group na madalas mabiktima ng mga ”buwaya” sa kalye.

Kaya nang alukin siya nina Lacson at vice presidential aspirant Tito Sotto, na maging kandidatong senador ng kanilang tambalan, hindi nagdalawang-isip si Idol Raffy at pumayag agad.

Kilalang galit sa korapsiyon at mga abusado si Lacson, ano kaya ang mangyayari kapag siya ang nanalo sa May 2022 elections at naging presidente? Malamang malulungkot ang mga korap.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …