Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Wilbert Ross

AJ nagka-mental breakdown sa socmed

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

IKINAGULAT ni AJ Raval na isa siya sa ”top searched female personalities” online. 

Sa digital media conference ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang Crush Kong Curly with Wilbert Ross at mapapanood na sa Vivamax simula December 17 lamang nalaman ni AJ na kasama siya sa listahan ng top searched female personalities dahil inamin nitong nag-detox siya sa social media.

Nasa 3rd spot si AJ na pinangunahan ni Yen Santos ang listahan at sinundan ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

“Hindi ko alam ‘yun! Sa totoo lang, wala akong social media ngayon. Kung nakikita ninyong active ‘yung social media ko hindi ako ‘yung gumagamit, admin lang,” ani AJ.

“Sobrang grateful ako and thankful dahil napabilang ako roon. Pero sobrang happy at sobrang flattered ako. Mayroon mang galit sa akin, marami pa rin namang nagmamahal sa akin at saka natutuwa. 

“Kaya sobrang grateful ako and thankful lalo na sa fans at sa lahat ng sumusuporta sa akin. Dahil kung hindi rin dahil sa kanila ay hindi ko maaabot ‘yung ganito.

“And of course sa mga boss natin kasi ibinibigay nila nang buo ‘yung tiwala sa akin,” sambit pa ng dalaga.

Sa kabilang banda, inamin din ni AJ na nagpahinga muna siya sa social media.

“Siguro dahil sobrang toxic na ng social media para sa akin. Siyempre ayoko na magpaapekto roon. Honestly, at first nagme-mental breakdown ako. 

“Dahil sinubukan naman namin i-explain o sinubukan naman akong protektahan ng mga taga-kabila. Pero hindi pa rin maintindihan ng mga tao. 

“Ang dami kong nari-receive na mga kung ano-ano. May death threats pa, may mga galit na galit sa akin. Nag-detox na lang ako kasi nakasisira talaga ng mental health ‘yung social media,” paliwanag pa ng anak ni Jeric Raval.

Bagamat nagkaroon ng mental breakdown hindi naman niya kinailangan ng professional help dahil mismong siya na ang tumulong sa kanyang sarili. ”Ang dami kong nagawa ever since nag-detox ako. Nilibang ko ‘yung sarili ko, lumipat ako ng bagong bahay, nakabili ako ng bagong sasakyan. Parang ‘yung negative na nangyayari, ginawa ko siyang positive. Parang gusto ko rin mag-improve ang sarili ko. Gusto ko rin mag-grow,” giit pa niya.

Mapapanood ang romantic sexy comedy film na Crush Kong Curly sa Vivamax simula sa Dec. 17. Kasama rin dito sina Chad Kinis, Maui Taylor, Jao Mapa, at Gina Pareño. Mula ito sa direksyon ni GB Sampedro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …