Saturday , November 16 2024

3 drug suspects arestado sa P.2-M shabu sa Malabon

TATLONG  kinilalang drug personalities (IDP) ang nakuhaan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Albert Barot ang mga nadakip na sina Mark James Sanchez, 21 anyos, residente  sa Atis Road, Jenny Piquiz, 39 anyos. ng Macopa Road, kapwa ng Brgy. Potrero, at Marie April Bernardo, 37 anyos, residente sa San Rafael St. Brgy. Sipak, Navotas City.

Ang mga suspek ay naaresto dakong 9:00 pm sa Macopa Road, Brgy. Potrero matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si P/Cpl. Paulo Laurenz Rivera na umakto bilang poseur buyer.

Ayon kay Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Alexander Dela Cruz, isinagawa ang drug operation laban sa mga suspek kasunod ng isang linggong surveillance at monitoring operation kay Sanchez at sa kanyang mga kasama matapos ang natanggap na tip mula sa kanilang confidential informant hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.

Nakompiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 30.8 grams ng hinihinalang shabu, may standard drug price P209,440 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …