Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rozz Daniels

Rozz Daniels hangad ang tagumpay ng apat na alaga

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

HINDI ako magtataka kung gusto talagang i-push ni Rozz Daniels na makilala at magtagumpay ang kanyang mga alagang sina Jerome Sangalang, Harold Evangelista, Derf Dwayne, at Analyn Torregosa dahil magagaling naman talaga silang kumanta.

First time ko silang narinig noong Miyerkoles ng gabi na kumanta nang bigyang parangal si Rozz ng Phoenix Excellence Award bilang Most Promising Female Pop Rock Diva of the Year na ginanap sa Overview Resto Bar sa Quezon Avenue at humanga agad ako sa ganda ng timbre ng kanilang mga boses.

Si Rozz na nakatira na ngayon sa Wisconsin, USA ay aminadong maraming pinagdaanan bago narating ang kasalukuyang kinalalagyan. Tulad ni Regine Velaquez, marami rin siyang sinalihang singing competition sa kanilang probinsiya na ang premyo ay bigas at delata.

Tinutulungan ni Rozz sina Jerome, Harold, Derf, at Analyn na maipakita ang galing sa pagkanta sa pamamagitan ng kanilang Kumu show, ang The Rocks and Rozz Show na ginagawa nila every week.

Ani Rozz, ”Masaya kami sa tuwing nagso-show sa Kumu, kasi marami kaming napapasaya bukod sa naise-share namin ‘yung talent na mayroon kami. Proud ako sa galing ng apat na ito at hopeful ako na magtatagumpay sila.”

Sinabi pa ni Rozz na pang-world class ang boses ng apat niyang alagatulad niya kaya siguro talagang hindi tumigil si Ms Ivy Violan hangga’t hindi siya napapa-oo para gawan ng kanta.

Ayon sa kuwento ni Rozz, hindi niya napapansin na nagme-message sa kanya si Ivy hanggang sinabihan siya ng kaibigan niyang editor ng Police Files Tonite na si Blessie Cirera na gusto siyang maka-collaborate nito.

At ayun na nga, ginawan siya ng single ni Ivy, ang Alay Sa Iyo bukod pa ang Bakit na komposisyon naman nina Rannie Raymundo at Ivy.

Samantala, binigyan ng trophy at certificate ni Direk Ronald Abad, founder at Events Director ng Phoenix Excellence Award si Rozz. Kasama ni Rozz sa bibigyang pagkilala ng award giving body sina Toni Gonzaga, Wilbert Tolentino, Alex Gonzaga, Ivana Alawi, Eat Bulaga, Vice Ganda at marami pang iba na gaganapin sa Resorts World Manila-Newport Performing Arts Theater sa February 18, 2022 ang awarding. Ito ay sa benefits ng Dugong Alay Dugtong Buhay, Angels Helping Hands, Sagip Foundation, at The Baby Angels Foundation.

Abangan din ang concert tour ni Rozz sa 2022 gayundin ang iba pang kantang ire-release at album niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …