Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brillante Mendoza

Direk Brillante tutok sa GL at BL movies

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

PARANG ang Cannes-winning director namang si Brillante “Dante” Mendoza  ang maglalabas ng sex-oriented films ngayong panahon ng social distancing at facemask.

Ipalalabas na pala ang first GL (girls love) movie n’yang  Palitan na nagtatampok sa mga baguhang sina Cara Gonzales, Jelai Cuevas, Luis Hontiveros, at Rash Flores. Mga baguhang walang-takot magpakita ng katawan at makipaglingkisan sa katambal nila.

Trabaho lang daw ‘yong ipaararo nila sa katambal nila ang mga katawan nila. Wala raw silang malisya sa mga eksenang ‘yon.

Dahil GL nga ang Palitan, may sex scenes sina Cara at Jelai sa pelikula. May mga nagsasabing maraming lalaki ang naaapektuhan kapag dalawang babae ang pinapanood nila!

Pero huwag mag-alala ang mga lalaki na walang hilig manood ng same gender sex. May sex scenes din ng opposite genders ang mga pangunahing bituin.

May paparating pa si Direk Brillante na BL (Boys Love) nina Paulo Gumabao at Vince Rillon, ang Sisid

Mga proyekto ni Direk Dante para sa Vivamax ng Viva Films ang Palitan at Sisid. Ang Palitan ay palaban na ngayong December 10 sa streaming ng VivaMax na napapanood na rin sa maraming bansa sa mundo. May promo packages din ang Vivamax para makatipid ang pamilya.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …